Friday, January 26, 2018

Ang Kwentong Nagbigay ng Kwenta sa Kwento ni "Karen"




Ang Kwentong Nagbigay ng Kwenta sa Kwento ni "Karen"


ni Eugene Martin
Enero 26, 2018



Nakatutuwang marinig na pagkatapos nilang basahin ang kwento ni Karen, nagtatanong sila kung saan ang susunod niyang biyahe. Saan nga ba?

Ang sigurado ako, nakauwi na siya. Nakauwi na sila ni Nanay Paula at lagi siyang naghihintay ng mabuting pagkakataon na magkasama uli sila.

Muli, maraming salamat, Lampara Books, 
sa pagkakataong maibahagi ko ang kwento ni Karen.


May isa pang tanong. Bakit daw Karen ang pangalan? OK, eto yun:

Maliban sa paghahanap ng pangalang tutugma sa salitang 'tren' naalala ko na may patalastas noon na si Karen ang paboritong apo .. tapos paborito kong singer si Karen Anne Carpenter (mga bes,, siya yung kumanta ng 'Top of the World' na madalas 100 ang score ko sa videoke hahaha)... o di ba ang ganda ng pangalang Karen.... mas lalo ko itong nagustuhan dahil gamit ni Jervi Li as "Kaladkaren Davila" na natutuwa akong panoorin.



https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&ei=_itrWrv6O9DO8wXVnpyQCA&q=picture+karen+carpenter&oq=picture+karen+carpenter&gs_l=psy-ab.3...598661.606920.0.607646.23.18.2.0.0.0.422.2694.0j6j3j2j1.12.0....0...1c.1.64.psy-ab..9.4.1352...0j0i67k1j0i5i30k1j0i8i30k1j0i8i10i30k1.0.nflVMY-_aMs#imgrc=2QV9unmNc8Sv9M:



Seriously, si Nanay ko, "Loreta Esguerra Masaquel Calilong"... (Nanay Etang)... ang tawag ni Daddy sa kanya "Kare"...kilala rin sya ng mga kamag-anak na "Kare" pero iba pag si Daddy ko ang tumatawag.. may lambing... di ko man naririnig ang "I love you's", sa pagtawag pa lang, ramdam ko ang pagmamahal nya kay Nanay.


Si Nanay ang isa sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat ng kwento ni Karen. Naalala ko ang mga biyahe namin papuntang Pasay, sa tindahan ng mga bisikleta sa Cartimar. Madalas na naisasama ako sa pagde-deliver ng mga cycling headgears na gawa ni Daddy. Syempre, wala pang LRT noon. Sa jeepney kami sasakay papuntang Cubao, tapos sasakay kami sa bus.... ang sarap hawakan ng mga kamay niya... kinakandong din ako at niyayakap minsan kapag punuan ang jeep (dahil hawak naman ni Daddy yung mga produktong ide-deliver).


https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=613&tbm=isch&sa=1&ei=pCtrWs2OI5LQ8wWYzbagBg&q=cartimar+old+picture&oq=cartimar+old+picture&gs_l=psy-ab.3...78179.86617.0.88007.22.19.1.0.0.0.490.2939.0j4j4j3j1.12.0....0...1c.1.64.psy-ab..9.5.1682...0j0i67k1j0i30k1j0i24k1.0.tOZx4ZmUrlE#imgdii=vLd52JdjgrLRvM:&imgrc=mAVF8Q6lAjDQYM:



Marami akong natututuhan kapag naisasama nila ako (Grade school ako noon). Minsan kasi parang ayaw akong isama kasi mahihiluhin ako sa biyahe, awang-awa sila sa akin kapag hinang-hina ako. Maliban sa pagbabaon ng dahon ng bayabas, tinuruan ako ni Nanay na tumingin sa labas at libangin ang sarili sa mga bagay na nakikita ko, para hindi raw ako mahilo. Pero mas madalas, itinutulog ko na lang.



https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=613&tbm=isch&sa=1&ei=Yy5rWtz7HcH98gWQwJ2YBw&q=picture+bayabas&oq=picture+bayabas&gs_l=psy-ab.3..0i7i30k1j0i8i30k1.279948.283819.0.284144.8.6.0.0.0.0.441.1053.2-1j1j1.3.0....0...1c.1.64.psy-ab..5.3.1047...0i24k1j0i8i13i30k1.0.Wgad4werGfw#imgrc=7KoUfPLvKDQjDM:


Pagkatapos ng pagdedeliver at paniningil, naalala ko, bibili kami ng mga imported na kendi sa Pasay, kakain kami sa Ma Mon Luk sa Cubao, mamimili ng mga fresh seafood and fruits sa Farmers Market. Habang naglalakad, naririnig kong pinag-uusapan nila yung iipunin o ihuhulog sa bangko, bibilhing mga materyales para sa mga bagong order.


Eto pa ang ilang mga bagay na natutuhan ko:

(1) Nakaka-recharge ang paghigop ng mainit na sabaw (sarap na sarap kami sa sabaw ng mami ng Ma Mon Luk). Lalo na kapag malayo ang biyahe, nakakabawas kung hindi man nakakatanggal ng pagod. Ang sarap ng kwentuhan, karaniwang paksa ay kung masarap ang timpla ng pagkain, paano iluto, kung saan nabibili ang sangkap. Pareho kasing masarap magluto sina Daddy Apiong at Nanay Etang.


https://gimikainan.files.wordpress.com/2008/11/10302008091.jpg



http://kuroda.ph/menu.html


Nadala ko ito hanggang ngayon... paghigop ng mainit na sabaw... comfort food ko at pangtanggal ng nega vibes..... grabe... napakasarap ng noodles.... Ramen sa Ippudo, Ramen Kuroda (Lucky China Town / Sta. Mesa), Sano Ramen sa Marikina, Masuki, Chowking :-) lalo na kapag kasama at kahuntahan ang asawa ko, kapamilya at mga kaibigan.. :-)


(2) Bawat lugar, bawat tao, bawat bagay, may kasaysayan... Makwento ang Daddy ko, kabaligtaran ni Nanay. Lumaki kasi si Daddy sa Maynila at nagkaroon siya ng maraming karanasan sa pakikitungo sa iba't ibang klase ng tao. Hindi tulad ng iba na minsan ay nahihiyang magtanong kahit naliligaw na, si Daddy, sa unang pagkakataon pa lang ng pagdududa, nagtatanong na, walang inaaksayang panahon. Nakita ko sa kanya ang pagpapahalaga sa oras. Huwag mahihiya kung di ka naman gumagawa ng masama. Naging isa sa mga motto ko, "Be smart, ask." Kasi kahit hindi ako kagandahan, ligawin kasi ako eh.. (boom!) hehe..


Nakita ko din sa kanila ang pagiging mapagbigay (hindi pa gaanong sikat ang implementasyon ng anti-mendicancy noon - - PD1563: Mendicancy Law of 1978). Si Nanay malambot ang puso kapag nakakita ng namamalimos lalo na't may kasamang bata. May pagkakataon na bibigyan nya ng barya, pero madalas pagkain o kendi ang binibigay nya. Tapos kahit mahina naririnig ko na nasasabi nya, nakakaawa naman. May isang batang lumapit sa akin minsan, may hawak akong tinapay, tumingin ako kay Nanay, ngumiti sya, tumango, may question mark siguro siyang nakita sa mukha ko :-) naintindihan ko ibig niyang sabihin. Nababanggit nya sa akin na yung minimeryenda namin, kadalasan pagkain na ng buong pamilya sa loob ng isang araw, kaya maging masinop, huwag mag-aksaya, huwag maarte sa pagkain, at maging mapagpasalamat kahit anuman ang nakahain dahil iyon ay biyaya.


(3) Hindi sayang ang oras na inilalaan sa pagbibiyahe... Ngayon, stress na stress ang marami sa traffic condition... noon, inaabot yata ng mahigit isang oras ang pagpunta sa Pasay.... matagal na biyahe na iyon noon...pero natutuhan kong pahalagahan ang bawat sandali na kasama ko sina Daddy at Nanay. Nagkapagpakita sila ng halimbawa... na bawat biyahe may patutunguhan, may destinasyon, may dapat asahan. Madalas kailangan ng mahabang pasensya.... Kung may mga bagay na hindi nakokontrol (tulad ng sobrang trapik o nasiraan ang sasakyan), mag-isip at gumawa ng mga bagay para malibang at huwag mainis. Huwag paapekto sa sitwasyon, kontrolin ang emosyon, mag-isip ng solusyon upang makagawa ng maayos na desisyon at aksyon. Si Daddy mahilig makipagkwentuhan sa ibang mga pasahero, minsan nakakakuha pa siya ng dagdag na kostumer :-) Ako naman madalas ay natutulog habang kalong ni Nanay (kasi hilo na ako hehe). Kaya nga nabuo ang kwento ni "Karen".. dahil iyon sa aking pagbibiyahe.


(4) Sa lahat dapat ng ginagawa, may purpose, may focus, at may determinasyong magawa.at matapos.... Sa mga nangyayari sa buhay, may dahilan din, minsan nga lang di kaagad nauunawaan, kaya masakit.... Dumarating na lang ang panahon na nagliliwanag ang lahat at nakikita ang pagkakalakip ng mga pangyayari sa mas lalong ikabubuti.

Tulad ng pagsasama sa akin sa mga biyahe, kahit na mahihiluhin ako, naunawaan ko ang gusto ni Daddy - - na masanay ako unti-unti sa pagbibiyaheng mag-isa paglaki ko - - hindi lang ang biyahe sa sasakyan pero sa biyahe ng buhay.. dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, may daddy akong magtatanong ng direksyon at may nanay akong kakalong at yayakap sa akin... Mabuti na lang, salamat sa Dios at hindi ipinagkait sa akin ang mga karanasang iyon.

Nang namahinga na si Nanay Etang / Nanay "Kare" (dahil sa breast cancer) years ago, marami pa akong natutuhan.. nagugulat na lang ako kasi minsan kahit mukhang mahirap ang sitwasyon, nairaraos nang matiwasay.. kapag may pinagdadaanan, natuto akong dumaan lang at mag-move on... na-realize ko na naituro sa akin ni Nanay ang basics at nabigyan ako ng maayos na paghahanda.

Hindi pa tapos ang biyahe namin ni Daddy.... ako naman ngayon ang umaalalay sa kanya... si Nanay Etang (Nanay Kare), nagpahinga na muna.

Sa kwento ni Karen, umaasa siyang maulit ang pagbiyahe nilang magkasama ni Nanay Paula nya. Ako, umaasa din...alam ng Dios ang laman ng aking puso at damdamin.


1 comment:

  1. hindi maaaring hindi papatak ang aking luha sa mga paksang tungkol sa aking mga magulang..... napakalaki ng utang na loob ko sa kanila sa pagbibigay ng halimbawa at pagtuturo kung paano maging tao at magpakatao... at maging mapagpasalamat...

    ReplyDelete