Wednesday, May 16, 2018

"LIFETIME"... my first song writing contest entry (but hopefully not the last)

"Lifetime" 
by eugene

Salamat sa Dios sa mabuting pagkakataon na makasali sa isang song writing competition. Unang pagkakataon na sumali ako at napansin naman ang ipinadala kong entry para maging weekly finalist.


Hindi man pinalad na manalo para sa weekly finals, isang maituturing na tagumpay para sa akin dahil - -

(1) si Zsaris, na napakagaling na singer at gitarista, ang kinuhang mag-interpret (parang magkaboses kami.. hehe wish)

https://www.youtube.com/watch?v=IuVjBMdW63E

(2) may isang awit na madaling sabayan na magpapaalala sa atin sa ating tungkuling ibahagi sa kapwa ang aral ng Dios.. gumawa ng mabuti habang may lakas, buhay at pagkakataon...

(3) kahit maraming dapat ayusin sa lyrics (na inaasahan ko naman.. excited na kasi akong magpasa kaya di ko na binago hehe), ang dami kong natutuhan sa mga comments and suggestions ng mga batikan at bigating judges... na naibabahagi ko na rin ngayon sa iba na nais subukin ang paglikha ng awit

(4) mas na.motivate pa akong magsulat para mapagkunan ng inspirasyon ng makakarinig lalo na ng mga kabataan...

Salamat sa mga tumulong... lalo na sa pagbuo ng demo (salamat Aljero).. salamat mam carrie, di man natuloy ung plano, nainspire ako sa iyong dedikasyon sa musika.. ang laking bagay para sa akin ng comments mo.... sa mga comments ng mga taong unang nakarinig.. (kinailangan ko un para mapwersa akong ipasa hehe) at ang pagtitiis nyo sa boses ko (sa demo) hehehe

Dahil sa mga natutuhan ko, gagawa pa uli ako... sa awa't tulong ng Dios...
Kung di man mapansin sa paglikha ng awit.. hindi kaya sa pag interpret ang peg ko? :-)

To God be the Glory!