MGA PAGNINILAY SA PAGMAMANEHO (Reflections in Driving)
by Eugene Martin
(1) When Shifting Lane is the Best Option
Sinamahan ko ang anak ko sa sakayan papuntang LRT station. Siya
muna ang nagmaneho ng sasakyan, pagkababa niya, ako na ang nagmaneho pabalik sa
bahay. Habang papunta sa LRT station at tinatahak namin ang kalsada marami kaming nakita na jeepneys na papalit-palit.. palipat-lipat ng linya... Mayroon yung maayos, pero
marami ang muntik nang sumabit sa ibang sasakyan.
Pagninilay.... ito ang madalas na nangyayari kapag wala kang kausap kundi ang sarili mo... :-)
Para ito sa kaibigan ko...... nais ko kasing maibahagi ang maraming bagay na naglalaro sa isip ko ngayon..... lam mo na... ramdam kita, kaibigan...
Sa pagmamaneho, may pagkakataon na kailangan mong manatili
sa linya hanggang sa dumating ang panahon na kailangan mong lumipat lalo na
kung ikaw ay liliko o hihinto. Pero sa pagpapalit o paglipat, kailangan ang isang maayos
na paghahanda… magbigay ng signal sa mga kasunod upang makagawa rin sila ng
marapat at akmang desisyon at aksyon.
Sa buhay, lalo na sa trabaho, may magandang naidudulot ang pananatili
pero kung:
(1) hindi na nakatutulong ang trabaho mo upang ikaw ay lumago bilang tao;
(2) hindi nito natutugunan ang mga pangunahin at minsan ay simpleng pangangailangan ng
manggagawa (dahil sa hindi maayos na sistema);
(3) may duda ang pamunuan sa kakayahan mong magawa ang isa o maraming bagay (na madalas na pagkakataon, kasalanan ng namumuno kasi bigay nang bigay ng dagdag na trabaho na hindi mo matanggihan kasi tanggihan mo o hindi, pareho ka pa ring talo; pag tinanggap, dagdag pasan.. pag tinanggihan, markado ka na);
(4) nahahadlangan
ang paggawa mo ng mabuti sa kapwa (kasi konting kibot kailangan mong ipagpaalam para magkapag fill-out ka ng form o itala para sa accomplishment report at baka mapagalitan ka kasi wala ang pagkukusa sa job description mo)
(5) hindi na magaan at masaya ang bawat araw ng
paggawa;
Kapag ganito, hala, isang mas mabuting opsyon ang paglipat o pagpapalit.
Maaring manatili pero ano
tawag sa iyo, martir? Lubhang nakakapagod at nakabababa ng moral kung hindi ka
nakararamdam ng suporta sa mga taong inaasahan mong magbibigay sa iyo nito. At kung
ganoon ang sitwasyon, hindi kailanman magiging maayos, maganda at de-kalidad
ang mga awput. Kung mayroon namang mas magandang oportunidad, hindi masama o
pangit ang paglipat. Gawin ito ng naaayon sa proseso o sistema ng organisasyon (kung meron nga silang sistema). Gawin ito nang may respeto
(sa mga kasama at sa mga namumuno) at pag-unawa sa mga taong maiiwan mo (na may
posibilidad na madagdagan ang trabahong iiwan mo, habang naghahanap ng papalit
sa iyo). Kailangan mayroon ka nito: (1) katapangan sa paggawa ng desisyon at
pagsuong sa panibagong mundo, (2) kaliwanagan sa kung ano ba talaga ang iyong
misyon sa buhay, (3) tiwala sa sarili, (4) kakayahan sa paggawa at (5) kahandaan
sa mga pagsubok lalo na sa pinansyal na aspekto.
at ang pinakamahalaga.. ang tiwala sa magagawa ng Dios....
February 24, 2017
Eventually you'll change lanes in one way or another. It's inevitable. Life isn't a straight line. It has its share of turns, stops, curves, bumps, and zigzags along the way.
ReplyDeleteIndeed
DeleteIndeed
Delete