Sari-Saring Kwento sa Line Two
by Ms. Eugene
July 2, 2016
by Ms. Eugene
July 2, 2016
Mula nang nagtrabaho ako sa Tondo, naging regular akong pasahero ng LRT,
partikular na ng Line 2, Santolan to Recto station. Natutuwa akong pagmasdan ang mga taong nakakasabay ko sa pagsakay, kaya't gamit ang cellphone, isinusulat ko kaagad ang ilang karanasan para di ko makalimutan. Ito ang ilan na maaaring kapulutan ng aral (sana) at maaari ring makatanggal ng
stress. Baka nga maka-relate din ang iba sa ilang mga sitwasyon at karanasan....
1. Wala na akong maidadahilan na wala akong
time mag-work out. Bonggang workout ang pag akyat ng hagdan.. Gusto ko 'yun...
2. May ilang masyadong 'generous' sa pag-share
ng music...... music na lang daw niya ang pakinggan... katulad ng
isang ate, an'lakas ng sounds ng earphone eh.....3 meters kaya ang distansya nya
sa akin.. sinukat ko talaga... "this woman is my destiny... hooooo ohhh
hooo... shut up and dance with me..."
3. Mainit... sira ang aircon... prepared kaya ako... tarannnn, pamaypay!!!! Kaya lang si kuya grabe pawis... pumatak sa braso
ko... eeeeewwww... alcohol!!!!!!
4. May mag-ama na sumakay sa Legarda
station.. blind ang tatay nya... la nang maupuan, nag-ready na akong tumayo to
offer my seat, tumayo ung katabi kong student at pinaupo si tatay. The student is from Philippine College of Criminology...what an
admirable trait..
5. Padating na ung bagon.......lapitan na kmi..
ready, get set.........Hay naku, minsan paasa lang... hindi pala titigil....
6. Mayroon talagang parang nasa bahay lang... sa lakas ng kwentuhan, alam na ang isyorya ng buhay nya.. (ah nag-iisa pala siyang anak at pag Wednesday wala siyang kasama sa bahay...).. Hay naku...
7. May mag-ama... si tatay ang naglalaro ng games sa cellphone. Si anak (mga dalawang taon), nanonood...pumapalakpak pa...nakakatuwa ang reaksyon ng anak...
7. May mag-ama... si tatay ang naglalaro ng games sa cellphone. Si anak (mga dalawang taon), nanonood...pumapalakpak pa...nakakatuwa ang reaksyon ng anak...
8. Sosyal si kuyang announcer... "Sssshantolan sssshtayshion na po... Lasshh sssshtayshion na po. Peki double shheck po ang inyong mga deleng gemit bago bumaba ng treyn. meraming shhhalamat po.....(bagong kabit kaya ng braces si kuya?)
9. Di na-off ung PA.. rinig ang ubo ni kuya.. grabe.. parang malala na ah.. hala pa-check up pag may time
10. Sa bawat anim na taong nasa tren, (6 ang
capacity ng upuan).. na-observe ko lang, 1 lang ang walang ginagamit at nakalabas na gadget... syempre kasama
ako dun sa may gadget,..nagdodocument ako eh..
11. Bata, natuwa sa pula kong pamaypay.. sinusundan niya ang galaw ng pamaypay... imagine nyo na lang... :-) sobrang good vibes ito... :-)
12. Usapan ng first-timers: "Pare, tignan mo, kung nag-jeep tayo, dalawang oras ang biyahe natin... ok na ito diba? kahit nakatayo, less than 30 min nasa Recto na tayo.." so true, mga kuya...
13. Sige harutan kayo (hindi ko na sasabihin kung anong school/university).... ayan nalaglag cp sa
train track, sa Anonas station. kung ano ang sobrang ingay at saya sa loob, ayan napalitan ng panic, tinawag at grabe pakiusap kay kuya security guard... ayaw kasing mag-ayos eh.
14. Sukli sa vendo.. wagas na puro coins... may forever? hehe
15. Di lahat ng pagsakay sa tren ay masaya.... di lahat ng istorya nakakatuwa... minsan may batang walang tigil sa pag iyak (mukhang may sakit at papunta sa ospital).... mag-partner na may LQ ('di lang hetero, pati LGBT)...... may nagpapahid ng luha pagkatapos basahin ang message sa cp...minsan ako yun (naiyak ako kasi nabasa ko ung message na may namatay na malapit na kaibigan).... minsan mare-realize mo na wala kang friend kasi Recto Station na at walang gumising sa iyo... at ikaw na lang ang maiiwang pasahero... 'wawa naman...
Mahigit na 275 na araw na ang aking pagsakay sa LRT2 (syempre times 2.. papunta at pauwi). Sabi ng iba, ang layo ko raw sa pinagtatrabahuhan ko... pero dahil sa LRT2 mas nagiging healthy ako dahil sa exercise; humahaba ang pasensya ko dahil sa iba't ibang ugali ng tao na nakikita at mga bagay na nararanasan ko; nagiging creative ako dahil nakakasulat ako ng kwento na inspired sa mga karanasan ko sa pagsakay ng tren...
Ang pinakahihintay at inaasahan ko sa bawat pagsakay ko sa tren ay iyong makasabay ko sa pag-uwi ang grupo ng K9 hehe.. ang kukyut kasi ng mga aso...... pati ung ibang handler hehe....
Seryoso na ito...inaasahan ko na sa bawat paglabas ko ay may baon akong mga bagong karanasan na makatutulong sa pagpapaunlad ang aking pagkatao upang ako ay mas maging isang mabuting nilalang. Kasihan nawa.
"Paparating na sa Santolan Station...."
Hanggang sa muli...

No comments:
Post a Comment